259

Jan 13, 2019 @ 13:11
By

Tigilan na ang pag gamit ng plastik – Luntiang Pilipinas

Hinihikayat ng Luntiang Pilipinas, environment group na itinatag ni Senador Loren Legarda ang bawat pamilyang Pilipino na tigilan na ang paggamit ng plastik upang makabawas sa dami ng basurang plastik na sumasalaula sa mga dagat sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng party-list group na dapat umanong magkaroon ng zero-waste lifestyle ang mga Pilipino.

Nag lunsad ang mga ito ng nationwide campaign ngayong buwan.

Dineklara ng gobyerno ang buwan ng Enero bilang zero-waste month.

“A zero-waste lifestyle means using products that can be reused and promoting processes that avoid or eliminate the volume and toxicity of waste,” saad ni Legarda.

“Let us start the year with a resolve to be better citizens of the Earth by adopting an eco-friendly, zero-waste lifestyle,” ani Legarda.

Dagdag pa nito, ito’y nangangahulugan na iwasan natin magtapon ng basura sa pamamagitan ng pag-reuse, reduce, at pag-recycle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?