17

Dec 3, 2020 @ 12:57
By

Tigil-putukan sa Pasko ayaw ng AFP

Hindi irerekomenda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Presidente Rodrigo Duterte ang ceasefire sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army ngayong Kapaskuhan.

Ayon ito kay military spokesman Major General Edgard Arevalo sa isang pahayag ngayong Huwebes.

“This was the AFP’s painful experience where the communist terrorist group reneged from their own ceasefire declaration by attacking and killing soldiers on humanitarian and peace and development missions,” giit ni Arevalo, Disyembre 3.

“During the incumbency of a truce, these terrorists continued their extortion activities and committed crimes of murder, arson, and the likes,” aniya pa.

Gayunman, ani Arevalo, susuportahan ng AFP ang anumang desisyon ng Pangulo hinggil sa usapin.

Noong nakaraang holiday season, parehong nagdeklara ang CPP-NPA at ang Philippine government ng tigil-putukan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?