27

Oct 16, 2017 @ 17:28

Tigil-pasada sa Southern Metro

Tanging sa Makati City lang talaga naramdaman ang ikinasang tigil-pasada ng mga jeepney operators at drivers bilang pagtutol sa ‘jeepney phase-out’.

Sa datos mula kay Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., hanggang kahapon ng alas-tres ng hapon ay 13 ruta sa Makati City ang wala pa ring biyahe at marami sa mga ito ay nagmula sa Guadalupe at may ilan ay bumibiyahe sa Ayala Avenue.

Nakapagtala rin ng tigil-pasada sa dalawang ruta sa Pasay City at isa sa Las Piñas City, samantalang pitong kilos-protesta ng mga miyembro ng grupong PISTON ang na-monitor sa Parañaque City, Makati City, Taguig City, Muntinlupa City at Las Piñas City.

Sa pangkalahatan ay naging maayos naman ang kilos-protesta ng mga drivers, ayon kay Apolinario. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?