80

Aug 8, 2019 @ 11:37

Tigdas tumodas ng 9 katao sa Pangasinan

Umabot sa siyam ang patay sa naitalang 201 “laboratory-confirmed” na sakit na tigdas sa lalawigan ng Pangasinan mula January 1 hanggang August 5 ngayong taon, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PPHO)

Kinumpirma ito ni PPHO officer Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman at sinabing ang mga bayan na may kumpirmadong patay dahil sa sakit na tigdas ay Bani, Villasis, Bolinao, San Fabian at Bautista, at mga siyudad ng Dagupan and San Carlos. Ang bayan Mangaldan ay may naitalang dalawang casualty ng tigdas.

“The total number of suspected cases from January to August 5 is 1,323, higher than the 179 suspected cases with one casualty on the same period last year,” sambit ni De Guzman.

Ang mga bayan at siyudad na binabantayan ng PPHO dahil sa mataas na bilang ng measles cases ay Dagupan City na may 176 na kaso ng tigdas; San Carlos City, 113; Calasiao, 86; Lingayen, 86; Alaminos City, 76; Malasiqui, 69; Bugallon, 62; Binmaley, 55; Sta. Barbara, 47; San Fabian, 45; Umingan, 45; at Bayambang, 45.

Samantala, ang Departnment of Health-Region 1 (DOH-R1) ay naglunsad ng school-based immunization program sa Dagupan City na umabot sa mahigit na 200 kindergarten at grade 1 pupil ay binakunahan kontra tigdas, diphtheria at anti-cervical cancer.

“DOH Secretary Francisco Duque is always saying that immunization is the cornerstone of Universal Health Care because it is the most basic service we give to our children. It is important to ensure that our children are completely immunized for them to be protected from highly infectious and deadly diseases such as measles, diphtheria, among others,” ani DOH-R1 local health support division chief Dr. Jimuel Cardenas.

Ayon kay Cardenas ang “Back to Bakuna, Una sa Lahat Bakuna” ng DOH ay pinalawig sa lahat ng kumonidad sa pamamagitan ng bakuna para maibalik muli ng tiwala ng mga residente para sa immunization program.

“The immunization program does not only provide vaccinations to mothers and infants but we already expanded its services to school children, known as the school-based immunization program with the help of Department of Education,” ani Cardenas na nagsabing ang programa ay unang inilunsad noong 2015. ALLAN BERGONIA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?