29
tigdas
Oct 7, 2020 @ 19:15
By

Tigdas outbreak sa 2021 binabala ng DOH

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko dahil posible raw na magkaroon ng malaking outbreak ng measles o tigdas sa susunod na taon.

Bumaba man daw ang kaso ng tigdas, lumagpas naman sa epidemic threshold ang mga rehiyon ng Mimaropa o Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan, maging sa Caraga.

“Because we have two problems now, high risk for measles outbreak, most of the provinces and cities, a big outbreak is predicted in 2021,” ani National Immunization Program Manager Dr. Wilda Silva sa DOH regular press briefing.

Kaya naman nakatakda silang magkasa ng nationwide Measles, Rubella and Oral Polio Vaccine supplemental immunization activity sa Oktubre 26 para mapigilan ang measles outbreak at hindi pa nakokontrol na polio outbreak.

“This supplemental immunization activity, in the true sense of the word, is going to prevent the future outbreak. We don’t want to respond to an outbreak but we want to prevent an outbreak,” dagdag ni Silva.

Umabot sa halos 55,000 ang nagkasakit sa nangyaring malaking outbreak ng tigdas sa bansa noong 2014.

Taong 2018 at 2019 nang maitala naman ang tigdas sa ibang bansa, na kumpirmadong nanggaling sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?