138

Dec 19, 2019 @ 15:07

Tig-P150K Christmas bonus pinamahagi sa Kamara

Isang araw bago mag-holiday break ang Kamara, binigay na ng tanggapan ni Speaker Alan Peter Cayetano sa mga empleyado ng House of Representatives ang “Speaker’s bonus” na nagkakahalagang P150,000.

Subalit dismayado ang marami, ayon sa isang ulat, matapos malaman na may P38,000 withholding tax diumano na mababawas mula rito, kaya nasa P112,000 ang net bonus ng kada employee. Mas mataas ito nang P2,000 kumpara sa binigay noong 2018 ni dating Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa mga ayaw magpatukoy na empleyado ng Kamara, late ding binigay ang bonus ngayong taon, na karaniwang binibigay isang linggo bago mag-Christmas break ang Kamara.

Naka-holiday break ang Kamara mula Disyembre 18, 2019 hanggang Enero 20, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?