97

Oct 25, 2020 @ 16:41
By

Tig-P1.5M ang presyo! DepEd may 166 bagong kotse

Habang maraming guro at estudyante ang naghahanap ng paraan para maitawid ang distance learning, natanggap na ng Department of Education (DepEd) ang bago nitong official vehicle.

Napaulat na binigay ng Mitsubishi Motors Carworld Pampanga sa DepEd ang 166 unit ng Mitsubishi Strada 4×4 GLS MT. Dagdag ang mga ito sa 88 truck na natanggap ng ahensiya noong Disyembre 2019.

Ayon sa TopGear, bawat Strada ay nagkakahalaga ng P1,465,000.

Napaulat na gagamitin ng DepEd field engineers itong mga bagong pickup sa pagsasagawa nila ng mga inspeksiyon.

“No school division office will be left behind, as we continue to gear up our actions, hold on the wheels of our goals, focus on our vision, and have a safe ride with our mission,” ani DepEd undersecretary Alain Del Pascua sa isang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?