19

Mar 26, 2020 @ 12:24

Tiffany ng SNSD dismayado sa mga racist

Nalulungkot umano si Tiffany Young ng Girls’ Generation dahil sa diskriminasyon sa mga Asian sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang update sa Instagram, Marso 25, tiniyak din ni Tiffany na nananatili lang siya sa bahay para ‘di mahawa sa nakamamatay na sakit.

“2020 has been an emotional free fall for us all. ive been doing my part to stay at home,” panimula ng K-pop singer.

“it saddens me to see the racism Asians around the world are faced with, & i hope everyone can remember humanity and love above anything else through drastic times like this,” sey pa niya. “we are fighting this together. the world needs a hug rn ❤️”

Nabatid na tinawag ni American President Donald Trump ang COVID-19 bilang “the Chinese virus,” na ayon sa mga kritiko ay nanghikayat pa ng racism at diskriminasyon laban sa mga Asyano sa mundo.

Matatandaang sa Wuhan City sa Hubei, China unang lumaganap ang coronavirus disease 2019.

Sa ngayon, higit 471,400 na ang nahawa, higit 114,000 ang naka-recover, at higit 21,200 na ang kinitil ng COVID-19 sa daigdig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?