64

Feb 11, 2018 @ 16:29

TIEZA, lipat-opisina na simula Marso 1

Lilisanin na ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang dati nitong opisina sa Makati.

Sa abiso ng ahensiya, simula Marso 1, 2018, ang TIEZA Central Office nila ay matatagpuan na sa 6th at 7th Floors ng Tower 1 Double Dragon, Meridian Tower sa Diosdado Macapagal Ave. cor. EDSA Extension, Pasay City.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa sumusunod nilang numero ng telepono:

Travel Tax: 463-9857

Administration: 551-3736

Reservations: 551-3945

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?