111

Jan 6, 2019 @ 15:55
By

Ticket sa American morning talk show ‘Catriona Gray’ episode, sold-out na

Ang unang TV appearance ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ngayong 2019 ay magaganap sa isang episode ng American morning talk show.

Magiging guest sa American talk show na “Live with Kelly and Ryan” si Catriona kung saan ay host sina Ryan Seacrest at Kelly Ripa, American actress, dancer, at producer.

Sold-out na ang ticket para sa naturang episode na gaganapin sa January 7, oras ng USA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?