15
phila

Tibay ng dibdib ni Embiid, Simmons, Fultz kikilatisin

Sharing is caring!

Mahaba-habang proseso rin ang pinagdaanan at ipinagpilitan ng Philadelphia, pero naging epektibo sa build up ng team na umaangas na ngayon.

Dating ipinagtutulakan sa Eastern Conference, papasok ng playoffs na No. 3 ang 76ers na 2012 pa huling umabot ng postseason.

Sila-sila lang halos ang nagtiwala sa “Trust the Process” mantra na sinimulan ilang taon na ang nakakaraan – iniligwak sa roster ang mga pamato para magtatalo at makakuha ng magandang tsansa sa unahan ng draft.

Isa-isang nakuha ng Sixers sina Joel Embiid, Ben Simmons at Markelle Fultz na No. 1 pick noong 2017 draft, idagdag si JJ Redick at bigla ay naging tigasin na.

Mahalagang piyesa ang apat kaya nakuha ng Sixers (52-30) ang best record sapul nang maglista ng 56-26 ang 2001 Eastern Conference champion team nila na pinangunahan ni Allen Iverson.

Pinakamainit sa kasalukuyan ang Philadelphia, tinapos ang regular season sa 16-game winning run.

Unang masusubok kung hindi dadagain sa playoffs ang mga produkto ng “Trust the Process” laban sa No. 6 Miami sa first round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?