78

Jan 23, 2021 @ 20:07
By

Tiangco takot sa Sinovac bakuna ng China

Nagsagawa ang Navotas local government ng informal online survey upang pulsuhan ang gustong brand ng bakuna kontra coronavirus ng mga residente nito.

Lumabas aniya sa survey na kakaunti lamang ang mga residente nilang may gusto sa Sinovac vaccine ng Chinese company na Sinovac Biotech.

Maging siya aniya ay takot sa Sinovac vaccine.

“Unti lang naman may gusto noon (Sinovac) sa Navotas, so ‘di na kami bumili ng Sinovac,” aniya sa panayam sa CNN Philippines noong Biyernes.

“Kung ako, pasensya na, medyo takot ako sa Sinovac eh,” dagdag niya.

Kaya bibili aniya ang city government ng bakuna mula sa AstraZeneca, Pfizer at Moderna.

Hindi naman siya sang-ayon sa tinuran ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pupuwedeng maging pihikan ang mga Pilipino sa bakuna dahil marami ring bansa ang nag-aagawan para sa supply nito.

“Number one, hindi mo puwedeng pilitin ang tao na magpabakuna kung ayaw niya. Kaya nga doon sa form na dapat fill-up-an, kailangan may consent sila. And again, bago sila magpabakuna, kausapin muna sila. May consultation ‘yan to make sure na hindi sila pinipilit,” paliwanag ni Tiangco.

“Number two, kung sasabihin mong hindi kayo puwede pumili, eh papaano kung sabihin ng tao na, kung di ‘yung brand ko, ‘di na ako papabakuna. Mas maraming mawawala sa ating lahat ‘di ba? Kasi dapat mas marami magpabakuna eh,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?