1,252

Mar 27, 2021 @ 21:07
By

Tiangco sa DSWD: Bayaran na utang sa SAP

Nanawagan si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay na nito ang utang na ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) na matagal na aniyang hinihintay ng publiko.

Kasunod ito ng muling pagsailalim sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna sa enhanced community quarantine (ECQ) at pagtitiyak ng Palasyo sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga lugar na nabanggit.

“Yung 2nd month na utang na SAP ng DSWD ibigay na nila ang tagal na iniintay ng tao yun,” tweet ni Tiangco.

Reaksyon niya ito sa ipinost na poster ni dating NTF adviser Dr. Anthony Leachon kung saan mababasa ang pahayag na “Hindi lang quarantine ang kailangan ng tao… Syempre Quartadin”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?