54

Apr 6, 2021 @ 1:44
By

Tiangco napipilitan paturok ng Sinovac vaccine

Mabigat man sa loob niya ay papaturok si Navotas City Mayor Toby Tiangco ng Sinovac vaccine ng China.

Paliwanag ni Tiangco sa panayam sa ANC, nag-aalinlangan siyang magpabakuna ng Chinese vaccine hindi dahil sa efficacy rate nito kundi ang isyu ng Pilipinas sa China tungkol sa West Philippine Sea (WPS).

“I don’t know if it’s a wrong sense of patriotism, it could be wrong, ‘yung issue kasi doon sa West Philippine Sea… parang papasukin namin ‘yung West Philippine Sea, hindi naman kayo makakaangal kasi nagbibigay kami ng bakuna e,” sambit niya.

“Kung umangal kayo, e ‘di ihinto namin ‘yung bakuna. Parang ganoon lang ‘yung dating sa akin e,” dagdag niya.

Sa kabila nito ay tuloy aniya sa pagpapabakuna si Tiangco upang ipakitang ligtas ang Sinovac vaccine.

Saludo naman si Tiangco kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na pumapalag sa presensiya ng mga barko ng China sa WPS.

“I appreciate very much na pumapalag siya. Pero puwede nilang ipitin unti-unti ‘yung bakuna e,” sabi pa ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?