52

Feb 4, 2021 @ 1:41
By

Tiangco humingi ng paumanhin sa ammonia leak

Humingi ng paumanhin si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa insidente ng pagsingaw ng ammonia sa isang planta ng yelo na pag-aari ng kanyang pamilya.

Isang empleyado ng T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage, na matatagpuan sa Barangay North Bay Boulevard South, ang nasawi sa insidente nitong Miyerkoles ng hapon habang ilan pa ang naospital.

“First of all, siyempre, kompanya ‘yan ng magkakapatid ng mother ko. Kamag-anak ko ‘yan. Ako ay humihingi ng paumanhin sa nangyari doon,” sabi ni Tiangco sa “24 Oras” report.

Tiniyak niyang mabibigyan ng kompensasyon ang mga naapektuhan at ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng cold storage facility.

Ayon kay Tiangco, ito na ang ikalawang insidente ng ammonia leak sa lungsod, una ay nangyari sa isang planta ng yelo sa Lapu-Lapu Avenue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?