16

Feb 18, 2021 @ 10:52
By

Tiangco ginupit sariling buhok

May isa pang skill na natutunan si Navotas Mayor Toby Tiangco habang may coronavirus pandemic.

Ang paggupit ng kanyang sariling buhok.

“Gupit your own hair challenge, DONE!” tweet ng alkalde kalakip ang video ng pagbabawas niya ng buhok gamit ang Flowbee.

“Pwede na ba akong magtayo ng parlor pagkatapos nitong pandemya?” biro niya pa kalakip ang natatawang emoji.

Sa dulo ng video, nilakip ng mayor ang mga larawan niya bago at pagkatapos gupitan ang sarili.

“Oks ba? Gumaya at your own risk. :),” caption niya pa.

Samantala, nang sabihin ng isang netizen na barber shop ang pwede nitong itayo, tugon ni Tiangco, “Mas gusto ko parlor ang buksan kasi both male and female ang customer at mas madami services hehehe.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?