76

Mar 16, 2019 @ 19:44
By ,

Tiamzon, La Salle winalis ang FEU

Mga Laro sa Linggo

(FilOil Flying V Centre)

2:00 PM – UST vs. UE

4:00 PM – UP vs. Adamson

Dinispatsa ng defending champions De La Salle University (DLSU) Lady Spikers sa tatlong set ang last season runner-up Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws 25-15, 25-19, 26-24, Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Tinapos ng Lady Spikers ang first round ng eliminations ng UAAP Season 81 women’s indoor volleyball bitbit ang 5-2 baraha habang dulas naman sa 4-3 kartada ang Lady Tamaraws.

Unang set pa lang ay kinontrol na agad ng tropa ni coach Ramil de Jesus ang laro nang maiposte nito ang 19-9 na komportableng bentahe para pahirapan at palubugin ang mga bata ni coach George Pascua hanggang sa sungkitin nito ang set sa tulong ng off the block kill ni Tin Tiamzon.

Naging pareho ang senaryo sa second set kung saan mas lalo pang umariba ang dominasyon sa opensa at depensa ng Taft-based squad hanggang sa manaig ang mga ito kontra sa tropa mula Morayta.

Pero nag-iba ang lahat sa third set nang pumoste ang Lady Tamaraws ng 6-0 run para itabla ang laro sa 17 hanggang sa pamatay sunog na attack ni May Luna ang muling nagpaangat sa tropa, 18-17.

Muling nanuwag ang Lady Tamaraws sa huling bahagi ng laro nang muli nilang manakaw ang kalamangan 23-22 sa magkasunod na atake nina Jerrili Malabanan at Lycha Ebon hanggang sa makasalba ng set point ang La Salle bago tuluyan nitong manakaw ang panalo sa back-to-back errors ng FEU.

Pinangunahan ni Tin Tiamzon ang La Salle na pumalo 13 puntos, sa likod ng siyam na attacks, tatlong aces at isang block.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?