46

Nov 6, 2019 @ 20:16
By

Tiamzon, BanKo Perlas diniskarga ang Motolite

Walang sinayang na pagkakataon si Nicole Tiamzon upang ibigay sa BanKo Perlas Spikers ang unang panalo sa race-to-two battle for bronze game kontra Motolite Power Builders, 25-23, 25-23, 25-18, sa 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre nitong Miyerkoles.

Nanguna sa paluan si Nicole Tiamzon matapos gumawa 13 points, kabilang ang 8 excellent receptions, para diskargahin ang Motolite at kunin ang 1-0 abante sa serye.

Umagapay rin sa opensa sina Dzi Gervacio at Sue Roces na umambag ng tig-11 points.

Sinandalan naman ni BanKo Perlas Spikers head coach Apichat Kongsawat si Princess Balang sa floor defense nang dumamba ito ng 11 excellent digs para protektahan ang BanKo sa mga palo ng Power Builders.

“It’s been a long season for us so I just wanted to enjoy and ito na ‘yun. Wala na kaming other games so hundred percent na,” pahayag ni Tiamzon.

Namuno naman sa opensa ng Motolite sina Tots Carlos at Myla Pablo na may tig-14 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?