149

Jun 28, 2019 @ 17:08
By

Tiamzon, BanKo Perlas dedekwatan ang Pacific

Pag-aagawan sa pagtatapos ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference ang No. 3 seed sa pagitan ng BanKo Perlas Spikers kontra Pacific Town Army Lady Troopers Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Magsasalpukan sa unang laban ang BanKo at Pacific Town alas-2 ng hapon, parehong may 4-5 win-loss record.

Winalis via straight sets ng BanKo Perlas ang BaliPure nitong Miyerkoles 25-18, 25-19, 25-21.

Bumida para sa laban sina team captain Nicole Tiamzon na humataw ng 19 points at import Sutadta Chuewulim na umiskor ng 12 points.

Hindi naman pinalad makaahon ang Pacific Town Army sa parehas na araw nang hawiin ang mga ito ng Creamline Cool Smashers via 4-sets 25-16, 16-25, 22-25, 16-25.

Dalawang players lamang mula sa Lady Troopers ang nakasampa sa double-digit output na 22 points ni Olena Lymareva-Flink at opposite hitter Jovelyn Gonzaga na may 10 puntos.

Samantala, hahamapas naman para sa ikalawang laban ang Creamline Cool Smashers na may record na 8-1 kontra sa wala pang panalo 0-9 na BaliPure Water Defenders alas-4 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?