973
Thurman walang respeto kay Pacquiao
Jul 4, 2019 @ 16:46
By ,

Thurman walang respeto kay Pacquiao

Hindi pa tapos ang mga birada ni undefeated American boxer Keith Thurman laban kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sa panayam ng Fight Hub TV, muling binanatan ni Thurman si Pacman sa kanyang kontrobersyal na pagkatalo kontra Jeff Horn noong 2017 sa Brisbane, Australia.

“[I thought] it was a draw. What did he [Pacquiao] do? Round-by-round, what did he do? 12 rounds! He didn’t have him out – in one round [he had him hurt], can you count? Fool can you count?” satsat ni Thurman.

“That’s why I don’t got respect for him! He ain’t do nothin’ to Jeff Horn, bro! And then [Terrence] Crawford went southpaw and beat Jeff Horn completely southpaw.”

Kumpiyansa si Thurman na kayang pabagsakin ang Pambansang Kamao at pagreretiruhin na nito ang future Hall of Famer sa pagboboxing.

Binansagan din Thurman si Pacquiao na bilang ‘T-Rex Arms’ matapos niyang panuorin ang laban nito kontra Horn at ang insultong ito ang lalong nagpagalit at nagpainit kay Pacman.

“Jeff Horn was bigger. The size was apparent. Every time Manny ducked, Jeff Horn leaned on top of him, right? He manhandled Manny Pacquiao, right? And you’re telling me Manny did something? No, he didn’t! Those hands didn’t touch!,” sabi ni Thurman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?