95

Jul 6, 2019 @ 16:12
By ,

Thurman patutulugin ni Pacquiao

Balik Team Pacquiao ang dating chief assistant ni coach Freddie Roach na si Marvin Somodio.

Tingin niya, mataas ang tsansa ni Manny Pacquiao na ma-knockout si Keith Thurman.

Inimbita ni Pacquiao si Somodio para maging bahagi ng kanyang training camp kasama sina Buboy Fernandez, strength and conditioning coach Justin Fortune at assistant trainer Nonoy Neri.

Nagkita sa Maynila sina Pacquiao at Somodio, na ngayon ay nakabase na sa Los Angeles at umuwi lang ng bansa para i-renew ang kanyang US visa.

“Sobrang motivated si Manny ngayon. Kakaiba siya sa sparring, mas aggressive compared sa mga last training camp. Sa tingin ko, patutulugin niya si Thurman,” sabi ni Somodio sa balita ng PhilBoxing.com.

Mula nang lumipad patungong Los Angeles, apat na sparmates ang salitang sinasabak kay Pacquiao gaya nina Abraham Lopez, Arnold Gonzalez, Jessie Roman at Lazaro Lorenzana.

“Maganda ang insayo at performance ni Manny. ‘Yung 10 rounds sa sparring, bale wala sa kaniya. Two weeks pa ang laban, malapit na siya mag 100 percent. Anytime, pwede na siya mag-pick up sa training. Kailangan alalay ng kaunti para hindi siya ma-burn out,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?