380

By ,

Thurman matatameme sa bilis, utak ni Pacman

Dalawang bagay ang magpapatahimik kay Keith Thurman sa fight night nila ni eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao: utak at liksi.

“I think Manny will catch him (Thurman),” sabi ng undefeated na si Tim Tzsyu, sparring partner ng 40-anyos na Pinoy ring legend.

Nagsimula muling magspar ang dalawa nitong Huwebes matapos ang four-round opening sparring session noong Martes, bagaman hindi pa gaano kabibigat ang binibigay nitong mga suntok sa isa’t isa.

Nagkakapaan pa ang dalawa lalo na’t ilang araw palang mula nang dumating sa bansa si Tzsyu, na anak ni dating world champion at Australian legend Kosta Tszyu.

Ayon kay assistant trainer Nonoy Neri, nagsisimula nang tumama sa isa’t isa ang mga suntok ng bawat isa.

Dagdag pa ni Neri, hindi naman nawala kay Pacquiao ang bilis at ang lakas nito pero kailangan nilang muling buhayin ang timing nito.

Kung si Buboy Fernandez, chief trainer ni Pacquiao, ang tatanungin pareho aniyang ang kilos at galaw ni Tzsyu kay Thurman at mas mataas ito ng di-hamak.

“Magaling siyang (Tzsyu) lumaban at mas mabilis pa kaysa kay Thurman. Kaya tamang-tama siya bilang sparring partner,” sabi ni Neri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?