1,298

Jul 5, 2019 @ 15:45
By ,

Thurman kay Pacquiao: Basketball ka na lang!

Panibagong birada na naman ang pinakawalan ni undefeated American boxer Keith Thurman laban kay ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Sa pagbisita ni Thurman sa Premier Boxing Champion’s Face to Face, siniguro nito na nalalabi na ang mga araw ng pagboboksing ni Pacquiao.

“I just believe the hourglass is almost finished,” litanya ni Thurman.

Alam din ni Thurman na mahilig maglaro ng basketball si Pacman bilang pampalipas oras kaya naman pinayuhan na nito na mag-focus na lang dito.

“He doesn’t have much left. Go play basketball, Manny! You say you like to play basketball every day. Go shoot hoops with the guys, man!” dagdag nito.

Pinaalala din ni Thurman na siya ang liyamado sa unification bout na ito dahil hawak niya ang super welterweight title ng World Boxing Association (WBA) habang ‘regular’ title lang ang bitbit ni Pacman.

Bilib naman si Thurman na tila hindi tumatanda tignan ang eight-division world champ pero naniniwala rin ito na wala na ang dating angas at lakas nito.

“I’ve watched Manny for many years, this is the first time truly being face to face. I’m trying to look for some grey hair, I don’t really see much,” ani Thurman.

“He don’t look too aged, he’s got that Asian blood in him, he still looks like he’s 15 years old. But does he move like he’s 15? After he gets punched, is he going to be able to recover like the young fighter?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?