28

Dec 6, 2017 @ 14:54

Thunder lusot sa Jazz sa triple-double ni Westbrook

Sa tulong ng triple double ni Russel Westbrook, pinadapa ng Oklahoma City Thunder ang Utah Jazz kanina 100-94.

Malaki ang naitulong na 20 points at siyam na rebounds ni 7-foot center Steve Adams para sa ikatlong sunod na panalo ng Thunders.

Nagsalansan si Westbrook 34 points, 14 assists at 13 rebounds para irehistro ang kanyang pampitong triple-double ngayong season.

Nag-ambag ang dalawang bagong stars ng Thunder na sina Paul George na may 11 sa kanyang 21 points sa fourth quarter at Carmelo Anthony na may 14 points at 8 rebounds.

Nanguna sa Jazz ang rookie na si Donovan Mitchell na may 31 points at Joe Ingles na may 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?