16
brewer
By

Thunder guard Brewer kuwestiyonable kontra Utah

Sharing is caring!

Maaaring ‘di makalaro sa Thunder si starting shooting guard Corey Brewer para sa first-round playoff series opener sa Linggo laban sa Utah.

Napilay kasi ang kanang tuhod ni Brewer sa huling laban ng Oklahoma sa regular-season sa Memphis.

Isa pang Thunder shooting guard na si Alex Abrines ang ginagamot ngayon dahil sa concussion.

Natamo niya ito sa laban ng OKC sa Miami Heat noong Lunes at hindi na naglaro kontra Grizzlies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?