24

By

Throwback pic ng mga nagkahiwalay na Star Magic couples, viral sa social media!

Sharing is caring!

May kumakalat na throwback picture sa social media. Ang picture ay kuha sa Star Magic Ball nu’ng 2009 kung saan ang mga magkakasama ay dating magkakarelasyon.

Viral ang group photo ng mga Star Magic artist na kinabibilangan nina Anne Curtis, Sam Milby, Billy Crawford, Nikki Gil, Derek Ramsay, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, John Prats, Raymond Gutierrez at Bea Alonzo.

Ang naturang larawan ay umani ng hugot sa netizens. Anila, ‘wala talagang forever!’

Except Bea at Raymond na nasa picture, ang the rest ay dating magkarelasyon. Pero may kanya-kanya ng buhay ngayon.

Si Anne at Sam ay apat na taon ang relasyon. Nag-break sila 2011. Kasal na si Anne ngayon sa kapatid ni Solenn Heussaff na si Erwan. Si Sam loveless ngayon. Kabi-break lang niya sa non-showbiz girlfriend.

Five years ang naging relasyon nina Billy at Nikki. Naghiwalay taong 2013. Ngayon pareho na silang may asawa. Naunang kinasal si Nikki nu’ng 2015 kay BJ Albert. Early this year naman kinasal si Billy sa sexy-actress na si Coleen Garcia.

Ang relasyon nina Angelica at Derek ay umabot ng anim na taon. Marami ang nagsasabi kulang na lang sa kanila ang kasal. Pero taong 2012 naghiwalay din ang dalawa. Masaya si Derek sa piling ng non-showbiz girl ngayon, samantalang si Angelica ay nanatiling single after ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Two years naman ang tinagal ng relasyon nina Shaina at John. Naghiwalay sila 2009. Nakarelasyon din ng actress si John Lloyd, pero nagkahiwalay din. Si John kinasal na sa actress na si Isabel Oli at biniyayaan sila ng dalawang anak.

Ang Star Magic Ball ay taun-taon na inaabangan. Nagtitipon ang lahat ng artista ng Kapamilya.

Inaabangan ang kasuotan ng mga artistang babae at kung sino ang kanilang mga escort.

Nalalapit na naman ang Star Magic Ball 2018 kaya marami na namang pagpipiyestahan ang press people sa okasyong darating.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?