48

Jun 24, 2022 @ 14:10
By

Throwback na larawan ni Ruffa kasama ang mga anak, kinaaliwan

Patok sa mga netizen ang throwback picture ni Ruffa Gutierrez kasama ang mga anak na sina Venice at Lorin.

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-48 na kaarawan, ibinahagi ng aktres ang lumang larawan sa kanyang Instagram.

Ayon kay Ruffa, kinuhanan ang naturang photo noong 2007.

Inalala rin ni Ruffa ang mga nalagpasang hirap na dumaan sa kanilang buhay ng kanyang mga anak.

“Posting a throwback photo of us because so much has happened in our lives since this photo was taken in 2007.

“Countless up & downs, heartaches & breakthroughs, failures & triumphs. Today, on my special day, I cannot be more thankful to be alive, happy, and healthy.

“Life itself is a beautiful gift. It may sound cliché but let’s manifest that the best is yet to come. Happy birthday to me!!” caption nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?