59

Mar 3, 2020 @ 22:41
By

Thoss, Simon, Carey papaalam na sa PBA

Magiging Swan Song na nina Sonny Thoss at PJ Simon ang Philippine Cup ng papasok na 45th season na magbubukas sa March 8.

Magreretiro na ang dalawa pagkatapos ng all-Filipino.

Si Thoss ay 38 na noong December, magku-40 naman si Simon sa June.

Sa buong PBA career, hindi nagpalit ng jersey ang dalawa – si Simon sa Purefoods franchise, si Thoss sa Alaska Aces.

Fifth pick ng Aces si Thoss noong 2004, sa panahon ni Tim Cone. Siya ang naging sentro sa paborito ni Cone na triangle offense na nagbigay sa kanila ng tatlong kampeonato.

Ang 6-foot-7 Fil-German na produkto ng James Cook University ang Finals MVP sa championship run ng Alaska noong 2013 Commissioner’s Cup, two-time Mythical First Team selection at 12-time All-Star.

Plano ng Aces na i-retire na ang jersey No. 7 ni Thoss sa final game nila sa eliminations sa May 16 kontra Magnolia.

Naglaro ang tubong Makilala, Cotabato na si Simon sa University of Mindanao, hinugot ng Sta. Lucia Realtors bilang 45th pick noong 2001 bago pinamigay sa Magnolia (Purefoods).

Gamit ang kanyang matibay na pulso, tinulungan ni Simon ang Purefoods franchise sa walong kampeonato. Eight-time All-Star at All-Star MVP noong 2008 bago tinanghal na 3-Point Shootout King noong 2019.

Samantala, huling taon na rin ni Harvey Carey ang papasok na 45th season.

Pagkatapos ng 17 seasons na lahat din ay ginugol sa TNT, magreretiro na ang 6-foot-3 do-it-all forward.

Kilala sa kanyang depensa ang Fil-Am na si Carey, 40, naka-pitong championships sa TNT na kumuha sa kanya bilang 4th pick overall noong 2003.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?