192
views

By

Thon Maker nagpaliwanag sa rambulan kontra Gilas

Sharing is caring!

Inako na ni NBA player Thon Maker ang responsibilidad sa nangyaring rambol sa rematch ng Pilipinas at Australia sa Philippine Arena, Lunes ng gabi.

Ayon sa Milwaukee Bucks player, intensiyon lamang niya na protektahan ang kanyang sarili at ang teammates.

“I take responsibility for my actions knowing that they were a result of my desire to protect my teammates and myself. I am deeply disappointed in the actions displayed during yesterday’s game against the Philippines,” sabi ni Maker.

“Being from a war-torn country, basketball for me has always been a means to bring people together,” ani Maker, na tumakas sa civil war sa Uganda kasama ang pamilya bago sila tinanggap bilang refugees sa Australia. My hope is that this experience provides a springboard for discussion regarding the security surrounding these games,” dagdag pa niya.

Samantala, magbubukas naman ng disciplinary proceedings ang FIBA sa rambol ng Pilipinas at Australia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?