klay-thompson
By

Thompson, Warriors dinalawahan ang Spurs

Sharing is caring!

Tumikada ng anim na sunod-sunod na puntos si Klay Thompson sa kaagahan ng fourth quarter para tulungan ang Golden State Warriors na makawala sa San Antonio Spurs, 116-101, sa Game 2 ng Western Conference quarterfinals, Lunes ng gabi sa Oakland, California.

Naiuwi ng defending champions ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series na dadayo na sa San Antonio para sa Game 3 sa Huwebes (Biyernes, oras sa Pinas).

Umiskor ng 32 points si Kevin Durant habang may 31 si Thompson.

Nakagawa naman ng game highs 34 points at 12 rebounds si LaMarcus Aldridge sa panig ng San Antonio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?