324

Nov 20, 2021 @ 21:51
By

Thompson sapatos mabenta

Walang pang 24 oras halos maubos na agad ang kalalabas pa lang na World Balance signature shoes ni Philippine Basketball Association star Earl Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel.

Ipinoste ng Gin Kings veteran ang larawang dinagsa ng mga tao na mga nakikipag-agawan sa pagbili World Balance Scottie 1.

“Stoked to announce that in less than 24 hours Scottie 1 is almost sold out!” sambit ni Thompson Sabado.

Ang WB S1 shoes ay limited edition pair na nagkakahalaga ng P3,499.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?