18

Jan 17, 2021 @ 18:39
By

Thompson nasungkit Sportsmanship award; Caperal pinangalanang Most Improved Player

Simula pa lang ay humakot na ang Barangay Ginebra ng tropeo sa PBA 45th Season Special Awards.

Unang ginawaran ay si Scottie Thompson na nasungkit ang Sportsmanship Award.

“Sobrang happy and fully blessed, all the time, playing the game the right way,” lahad ni Scottie

“Following the steps ni Kuya Gabe (Norwood)… sobrang nagpapasalamat ako,” aniya pa.

Samantala, si Prince Caperal naman ang nakakuha ng PBA Most Improved Player award kung saan tinalo niya ang sina Reynel Hugnatan, Raul Soyud, Javee Mocon, Justin Chua at Jason Perkins.

“Sobrang saya kahit papaano na-recognize ‘yung improvement sa game ko,” ayon kay Caperal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?