37

By

Thompson, Motolite aakyat sa Top 4

Kakayod sina import Channon Thompson at Motolite laban sa nangungunang PetroGazz Angels Sabado sa pagtatapos ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Alas-6 ng gabi, pipilitin ng Motolite na manalo upang manatiling buhay sa Final Four ng torneo.

Kasalukuyang nasa 3-6 ang record ng Motolite na nasa labas ng Top 4 samantalang sigurado nang pasok ang PetroGazz na may 8-1 mark.

Galing sa pagkalugmok ang Motolite noong Hunyo 23 laban sa BanKo Perlas Spikers via 5-sets, 25-19, 25-23, 18-25, 22-25, 15-17.

Kulang ang sanib-pwersa nina import Thompson at Krystle Esdelle na humataw ng 30 at 27 points kontra BanKo.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang paglipad ng Angels sa parehas na araw, nang hambalusin ng mga ito ang koponan ng Pacific Town Army Lady Troopers 29-27, 25-20, 25-14.

Magkatuwang na inakay nina team captain Janisa Johnson at import Wilma Salas ang PetroGazz na pumuntos ng 21 at 22 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?