51

By

Thompson, iba pa kumpleto sa unang ensayo ng Gilas Pilipinas

Sharing is caring!

Opisyal nang nagsimula ang kauna-unahang ensayo ng bagong-bihis na Gilas Pilipinas, Lunes ng gabi, Setyembre 3, sa Meralco Gym para sa fourth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin ngayong Setyembre 13 kontra Iran sa Tehran at kontra Qatar sa closed-door game sa Big Dome sa Setyembre 17.

Kumpleto ang 16-man lineup ni Gilas coach Yeng Guiao kabilang ang mga player ng SMC squad sa PBA kabilang sina c at Greg Slaughter ng Ginebra, sina Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng San Miguel at si Ian Sanggalang mula Magnolia.

Sumipot rin ang mga naglaro para sa Team Pilipinas sa katitiklop lang na 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia tulad nina Gabe Norwood, Asi Taulava, Poy Erram, Paul Lee, Raymond Almazan, Beau Belga, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

Nag-ensayo rin sina Japeth Aguilar, Matthew Wright, at Allein Maliksi na tuluyang kumumpleto sa 16-man lineup ng NLEX coach, bagama’t suspendido sila sa kanilang unang laro sa FIBA matapos masangkot sa rambol laban sa Australia Boomers noong Hulyo 2.

Balak ni Guiao ianunsyo ang final 12 sa susunod na linggo sa Lunes. (Cyreel Gian Zarate)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?