186
ABANTE scottie thompson rebounder pba

Thompson dodominahin ang PBA – Tenorio

Hindi magtatagal, magiging mukha na ng PBA si Scottie Thompson, ‘yan ang pananaw ni Ginebra guard LA Tenorio.

Sa nagdaang PBA Media Day kamakailan sa Solaire Resort and Casino, nabanggit ng 34-anyos na si Tenorio na malaki ang potensyal ni Thompson sa hinaharap hindi lamang sa Gin Kings kundi sa PBA.

“Scottie has a bright future not only with Ginebra but also in the PBA. I think it won’t be long, he’ll be the face of PBA,” wika ni Tenorio.

Matatandaan na noong 2018 Commissioner’s Cup ay isa ito sa mga manguna para masungkit ang kampeonato kontra San Miguel at siya rin ang itinanghal na Finals MVP.

“May work ethic kasi siya sa tuwing naglalaro siya at kahit na hindi siya maka 30 o 40 points sa laro nakapakaganda pa rin ng nilalaro niya,” dagdag nito.

Nakaposte si Thompson ng 9.1 points, 9.0 rebounds at 5.6 assists sa ilang taon niya naglalaro sa Ginebra at isa sa mga rason kung bakit nanatili sa Ginebra si Tenorio ay para gabayan ang mga bata niyang teammate gaya ni Thompson.

“Ako ‘yung kuya nila at sa tingin ko ‘yun ‘yung isang purpose ko sa team at sana tumagal pa ako dito para magabayan ko ‘yung mga bata lalo na si Scottie,” pagtatapos nito. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?