273

Jan 5, 2022 @ 23:55
By

Thompson buking na babaero

Ilang beses mang itanggi ni National Basketball Association player Tristan Thompson ng Sacramento Kings Center na siya ang ama ng anak ni Maralee Nichols na isang trainer, hindi na siya nakaangal pa sa resulta ng paternity test.

Buko na siya ang ama ng anak ni Nichols.

“I take full responsibility for my actions. Now, that paternity test has been established, I look forward to amicably raising our son. I sincerely apologize to everyone I’ve hurt or disappointed throughout this ordeal both publicly and privately,” litanya ng 30-anyos, 6-9 na center/forward.

Humingi ng tawad ang basketbolista sa kanyang anak na si True at dating nobyang si Khloe Kardashian.

“You don’t deserve the heartache and humiliation I have caused you. You don’t deserve the way I treated you over the years. My actions have certainly not lined up with the way I view you. I have utmost respect and love for you. Regardless of what you may think. Again. I am so incredibly sorry,” mensahe ni Thompson kay Kardashian.

Bago ang pag-amin ni Thompson, nagpadala na rin siya ng 100 piraso ng bulaklak sa anak na si True.

Naghiwalay sina Tristan at Khloe noong Mayo. Habang may nangyari naman sa una at kay Nichols noong sila pa ni Kardashian. (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?