thomas-torres2
By

Thomas Torres nakalabas na ng ospital

Sharing is caring!

Nakalabas na ng ospital at kasalukuyang nagpapagaling ang basketball player na si Thomas Torres mula sa mga sugat na tinamo nito nang masaksak sa labas ng isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig noong Hunyo 3.

Sa Twitter post ni Torres, sinabi nito na nagpapagaling na siya sa kanilang bahay dahil sa multiple stab wounds na tinamo nito at matatagalan aniya ang pagbabalik nito sa basketball court.

“It’s been more than a week since the incident happened which resulted to multiple stab wounds. I am currently recovering at home and there is still no definite time when I will be able to get back on the court,” ani Torres sa kanyang Twitter post.

Nagpasalamat din ang dating Green Archer sa kanyang pamilya, kaibigan at mga tagasuporta na walang sawang nagdasal at sumuporta sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Una nang nakalabas ng ospital ang mga basketbolista na sina Jeron Teng at Norbert Torres na kasama niya nang maganap ang nasabing insidente.

Kasalukuyang nakapiit at iniimbestigahan ang dalawang suspek na umatake sa mga basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?