4

By

Thomas nakaeskapo sa anino ni Foome

Sharing is caring!

Nakawala rin si Geraint Thomas sa anino ni Chris Froome.

Hindi na lang pang-suporta si Thomas, dahil papadyak siya sa paris na suot ang yellow jersey.

Tagumpay na naprotektahan ng Welshman mula Team Sky ang kanyang lead sa time trial sa penultimate stage nitong Sabado para selyuhan ang una niyang Tour de France title.

Bitbit ni Thomas ang bentaheng 1 minute, 51 seconds laban kay Tom Dumoulin papasok sa ceremonial finish na lang sa Champs-Elysees nitong Linggo.

“It’s just overwhelming,” hindi makapaniwalang sabi ni Thomas. “I didn’t think about it all race, and now suddenly I won the Tour.”

Itinakbo ni Dumoulin ang 20th stage, 1 second lang sa unahan ni four-time champion Froome na nilundagan si Primoz Roglic papunta ng third place overall.

Dumating sa finish na pangatlo sa stage si Thomas, 14 seconds behind. Pero sapat iyon para alagaan ang bentahe. Huling lumarga sa time trial si Thomas, naka-suot ng all-yellow skin suit at sinakyan ang bike niyang kulay red, white and blue alinsunod sa British flag.

Isang dekada nang magkasama sina Thomas at Froome, mula pa noong panahon nila sa Barloworld team.
Support rider lang si Thomas sa title rides ni Froome, pero inako ang pagiging lider ng Sky nang bumigay si Froome sa makabali-tuhod na 17th stage sa Pyrenees.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?