By

Thomas, Lakers nginata ang Nuggets 122-103

Sharing is caring!

Umiskor ng 12 sa kanyang 23 points sa fourth quarter si Isaiah Thomas at naghabol ang Los Angeles Lakers para igupo ang Denver Nuggets 112-103 noong Martes ng gabi.

Kapwa may 26 points at 13 rebounds sina Julius Randle at Kyle Kuzma para sa Los Angeles na nabaon ng 13 puntos bago kumayod at makuha ang panalo kontra Nuggets.

Nanalo ang Lakers ng tatlo sa huling apat na laro, kabilang ang 127-113 victory kina LeBron James at Cleveland noong Linggo.

Nanguna pa Denver si Wilson Chandler sa kanyang 26 points at 10 rebounds. May 18 points, six rebounds at apat na assists si Jamal Murray.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?