115

Thirdy Ravena, UAAP Finals MVP

Sharing is caring!

Nasungkit ni Thirdy Ravena ang Most Valuable Player (MVP) award matapos pangunahan ang Ateneo Blue Eagles sa panalo kontra La Salle Green Archers at makuha ang kampeonato sa UAAP Season 80 men’s basketball.

Bagama’t sugatan sa huling dalawang minuto ng laban, nagpatuloy pa rin sa laro si Ravena para tulungan ang Ateneo na makuha ang kanilang unang kampeonato sapul noong 2012.

Lamang lang ng dalawa ang Ateneo, 82-80, at may natitirang 48.9 seconds sa lari nang pasahan nito si Isaac Go sa kaliwa para sa isang tres.

Ang triple ni Go ang nagpalayo ng lamang ng Blue Eagles, 85-80 at pumigil sa huling rally sana ng Green Achers.

Nagpost si Ravena ng 16.3 points, 6.7 rebounds, at 4.3 assists kada laro para makuha ang Finals MVP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?