69

Jan 8, 2020 @ 15:38
By

Thirdy Ravena sasalang para sa Mighty Sports

Hitik sa mga upcoming star ang Mighty Sports sa pagdating ng isa sa pinakamahusay na amateur talent sa bansa na si Thirdy Ravena.

Kinumpirma ni Mighty Sports head coach Charles Tiu ang pagsama ni Thirdy Ravena, kahit pa puno na sa forward ang kanilang roster.

“It was a hard process because our lineup was already full, but how can you say no to a guy like Thirdy?” saad ni Tiu.

“I know Thirdy has always wanted to play international ball and also he’s always wanted to play for Mighty. Now we get to make it happen.”

Bukod sa Mighty Sports, kasama na rin sa Gilas pool si Thirdy, ini-skip muna ang PBA draft para maglaro sa Australia o Japan.

Nag-average ng 14.4 points, 6.6 rebounds, 2.8 assists at 1.1 steals si Thirdy sa kanyang huling taon sa Ateneo kung saan ginawaran siya ng tatlong UAAP Finals MVP plum.

Makakasama ni Thirdy sina Jamie Malonzo, Dave Ildefonso at Javi Gomez de Liano sa rotation, sahog din sina Andray Blatche, Kai Sotto, Juan Gomez de Liano, Mikey Williams at Beau Belga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?