34

By

Thirdy Ravena nakatulong na sa group works!

Sharing is caring!

Matapos batikusin dahil sa nag-viral na message kung saan sinabing kailangang magkampeon ang Ateneo dahil ‘di tumulong si Thirdy Ravena sa group works, mukhang may time na ulit para sa mga school projects ang UAAP Finals MVP.

Sa isang screen grab mula sa Instagram story, kita na may kasama si Thirdy na tila para sa isang project.

Ngunit di pa rin nakaligtas sa mga netizen ang napansin na lahat ay may laptop na dala samantalang kay Thirdy ay plato lang ang nasa harap.

“Bakit daw plato lang nasa table ni Thirdy tapos may laptop kasama niya???” pabirong tanong ni @camillebibera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?