136

Nov 29, 2019 @ 18:41
By

Thirdy Ravena ayaw pa sumampa sa PBA

Hindi pa masisilayan sa pro league ang three-time UAAP Finals MVP na si Thirdy Ravena.

Ito’y matapos na hindi siya magpasa ng application para sa 2019 PBA Rookie Draft sa huling araw ng filing ng mga aspiring basketball player.

Ayon sa report ng Spin.ph, pagtutuunan ng pansin ni Thirdy ang pag-improve ng kanyang laro, at posibleng magtungo sa ibang bansa para doon mag-training.

Dahil sa pag-skip ni Thirdy, wala pang siguradong top overall pick sa ngayong draft class na papangunahan ng teammate nito sa Ateneo na si Isaac Go, Letran leader Jerrick Balanza, Baste sniper Allyn Bulanado, UE star Rey Suerte at magkapatid na Mike at Matt Nieto.

Salang din ang dalawang foreign player na sina Sean Manganti at Roosevelt Adams sa draft class.

Sa December 4 nakatakda ang draft combine para kumbinsihin ang mga koponan na masungkit sila sa PBA Draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?