16

Nov 10, 2021 @ 23:42
By

Thirdy, Neophoenix iginapos ng Warriors

Bitin ang 10 puntos, limang rebound at isang assist ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa pagtirik ng San En Neophoenix kontra Shinshu Brave Warriors, 92-79, sa 6th B.League 2021-22 elims nitong Miyerkoles, Toyohashi City Gymnasium sa Aichi Prefecture, Japan.

Ito ang pang-apat na sunod na pagkatalo ng San-Em sa torneo kung saan gumulong pa sa 4-8 win-loss card.

Kapos rin para sa Neophoenix ang 17 points ni Shota Tsuyama at 14 markers mula kay Ryo Tawatari.

Hindi naman drumibol si Matthew Aquino para sa Shinshu na sumampa sa 7-5 slate.

Sunod na makakalaban ni Ravena ang fellow Pinoy import na si Dwight Ramos ng Toyama Grouses sa Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?