24

Jun 11, 2020 @ 15:44
By

Thirdy nagpaparamdam na sa Japan

Isa sa mga rason ni Thirdy Ravena kung bakit hindi ito nagpa-draft sa PBA matapos ang Ateneo stint ay gusto niyang makipagsapalaran muna sa liga ng ibang bansa.

At isa sa mga bansang tinukoy ng three-time UAAP Finals MVP ay ang Japan.

Sa bagong online series ng East Asia Super League na ‘Ballerific’, isa sa mga guest si Ravena kung saan makakasama niya ang dalawa sa sikat na player sa Japan.

Ito ay ang bagitong player sa Japan B League na si Kai Toews, gayundin si Tomoyan, isang basketball Youtuber na nakaharap na ang ilang NBA player.

Sa pahayag ni Ravena sa teaser ng serye, tila kinumpirma nito na siya’y tutungo sa Japan para maglaro.

“I know that I’m going to love Japan, for sure,” pakli ni Ravena.

Dati nang napaulat na sasalang si Thirdy sa Japan matapos ihayag na nasa lima hanggang anim na team umano ang interesado sa Japan B.League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?