24

May 10, 2021 @ 18:12

Thirdy, muling pumirma sa SanEn NeoPhoenix

“We got unfinished business.”

Ito ang pahayag ni Thirdy Ravena sa kanyang Instagram post nitong Lunes matapos muling pumirma ng kontrata sa Japanese Basketball League team na SanEn NeoPhoenix para sa 2021-2022 season.


“He brought overwhelming power and a bright future to our club. As a result, I don’t think I was satisfied, but he adapted to life in Japan and as a professional player. There are only great expectations for his further growth with our team,” saad ng president at CEO ng NeoPhoenix na si Kenjiro Hongo.

Dagdag pa ng general manager ng koponan na si Hideki Higashi, isang “multi-year contract” ang pinirmahan ng 6’3 swingman.

Hindi nakuntento ang 24-anyos na manlalaro matapos mag-average lamang ng 9.1 points, 3.6 rebounds, at 1.6 assists sa loob ng 22.8 minuto kada laro sa kanyang unang taon sa liga.

Bukod dito ay nalimitahan din ng injuries si Ravena at nakapaglaro lamang sa 18 laro ng NeoPhoenix.

At dahil kakaunti lamang ang kanyang nailaro, hindi lubos na naipakita ni Ravena ang kanyang kakayahan, kaya naman tumapos lamang ang SanEn sa nakaraang season na may 12-47 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?