38
Thirdy kayang makipagsabayan
By

Thirdy kayang makipagsabayan

Nabinyagan si Thirdy Ravena sa kanyang unang international game bilang miyembro ng Team Pilipinas men’s national team.

Biyernes ng madaling araw sa Al-Gharafa Sports Club Multi-Sports Hall, unang tinawag ni coach Yeng Guiao ang numero ni Thirdy 1:52 sa third habang abante ang Pilipinas 58-29.

Depensa ang tinoka kay Thirdy, pinangatawanan niya naman.

Malayo na ang Pilipinas 79-37 nang huling ipasok si Thirdy 2:15 pa sa laro, makalipas ang 1 1/2 minutes ay natawagan ng unsportsmanlike foul nang salubungin at sabayang blangkahin ang padakdak na si Nasser Khalifa Al-Rayes. May stare-down pa si Thirdy pagbagsak ni Al-Rayes.

Dito unang napituhan ng technical foul si Guiao dahil sa pagrereklamo sa tawag.

Naging pisikal ang Qataris pagkatapos nun, sa patuloy na reklamo ni Guiao ay binagsakan ng pangalawang T kaya awtomatikong na-eject.

Sa loob ng 12 minutes, 0 of 4 sa field si Thirdy, may tig-isang assist at turnover at dalawang personal fouls.

Si Thirdy ang tanging collegiate player na isinama sa pool at sa final 12 ng Team Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?