49

Jul 7, 2020 @ 21:59
By

Thirdy ka-level ni Yao Ming!

Hindi pa man naglalaro sa pro league, mataas na ang tingin ng isang FIBA mainstay sa 23-anyos na si Thirdy Ravena.

Sa panayam sa Fiba Asia IG kay Korean naturalized player Ricardo Ratliffe, na dati ring naglaro sa PBA, isa si Ravena sa mga sinama nito sa kanyang All-Asia team.

Nilarawan ni Ratliffe, na kilala na ngayon bilang Ra Gun-A, si Thirdy bilang ‘future’ ng Philippine basketball.

“My boy Thirdy from the Philippines, because I know he’s the future. He’s the future,” papuri ni Ratliffe sa 3-time UAAP Finals MVP.

Bukod pa kay Ravena, kasama din sa listahan ni Ratliffe ang kanyang sarili pati sina Jordanian Dar Tucker, Guam swingman Earnest Ross, Korean Yang Donggeun, Lee Daesung at Choi Jun-Yong, at syempre ang pinakadominanteng sentro sa Asya na si Chinese superstar Yao Ming.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?