72

Jun 17, 2021 @ 11:14
By

Thirdy halos mapaos sa game winner ni Belangel!

Napasigaw nang todo si Thirdy Ravena sa buzzer-beater three ni Gilas guard SJ Belangel sa kanilang laban kontra Korea.

Sa Instagram story ni Thirdy, nag-sorry pa siya dahil sa sobrang lakas ng kanyang sigaw nang mapukol ni Belangel ang pampanalong tira at itarak ang 81-78 win sa third window ng 2021 Fiba Asia Cup.


“Congrats Gilas!! So proud of everyone!,” sey ni Thirdy. “Sorry for my voice.”

Sa naturang laban, nanguna si Dwight Ramos tangan ang 16 points at five rebounds, tumapos naman si Belangel na may 13 points, five rebounds at two assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?