22

May 5, 2021 @ 18:53
By

Thirdy gusto pangalawang B-League stint

Nagtapos na ang kampanya ng San-en NeoPhoenix sa Japanese basketball league nitong Miyerkules, kung saan nabigo ang nasabing koponan sa Shinshu Brave Warriors, 75-80.

Dito na rin nagwakas ang stint ni Filipino import Thirdy Ravena, na nag-average ng 9.1 points, 3.6 rebounds at 1.6 assists sa buong season.

Gayunpaman, hindi naging sapat ang sipag ni Ravena sapagkat tumapos lamang ang NeoPhoenix sa nasabing torneo tangan ang 12-47 na kartada.

Bukod sa masamang nilaro ng koponan, hindi rin naibigay ni Ravena ang A-game nito.

“Here in Japan, I really feel like I wasn’t able to show everything. To be honest, I never had a game that I really liked and where I felt ‘Oh yes, this is my game and this is what I want’,” sambit ng 24-anyos na guwardiya.

Pagdating pa lamang ni Ravena sa Japan ay nagkaroon ito ng COVID-19 kaya’t naantala ang pagsama niya sa koponan. Nagtamo rin si Ravena ng isang fractured finger noong Enero kaya’t ‘di ito nakalaro ng tatlong buwan.

Kaya naman kung may pagkakataon, sinabi ni Ravena na handa itong lumaro ulit para sa NeoPhoenix.

“So if there’s a chance to do it again, I would definitely do it,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?